Ipinahayag Oktubre 25, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang Tsina na magkasamang isusulong ng lahat ng mga bansa, lalo na ng mga kapitbansa ng Tsina ang kani-kanilang malusog na relasyong pangkooperasyon. Umaasa rin aniya ang Tsina na ang naturang malusog na relasyon ay makakatulong sa kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Winika ito ni Lu bilang tugon sa isinasagawang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hapon, at may-kinalamang ulat hingggil sa naisin di-umano ng Hapon, na pahihigpitin ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa Amerika.
Sinabi ni Lu na sa kasalukuyan, napahupa na ang kalagayan sa South China Sea, at magkasamang nagsisikap ang Tsina at Pilipinas para panumbalikin ang bilateral na pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng ilang panig na walang direktang kinalaman sa rehiyong ito ang positibong aksyon, at isasapubliko ang konstruktibong pananalita, para pangalagaan ang kasalukuyang mainam na tunguhin ng naturang usapin.