Idinaos kamakailan ang kauna-unahang pulong ng mga departamentong panturista ng China-ASEAN sa lunsod ng Guilin, probinsyang Guangxi ng Tsina.
Layon ng nasabing pulong, pangunahin na, ang pagpapasulong ng mekanismo ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga departamentong panturista ng China-ASEAN, talakayin ang pagdaraos ng Year of Tourism ng China-ASEAN at pagpapalalim ng substansyal na kooperasyon ng magkabilang panig.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Du Jiang, Pangalawang Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina na sa mula't mula pa'y, mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang kooperasyon sa turismo sa mga bansang ASEAN, at nakahanda aniya ang Tsina na ibayo pang pataasin ang pagtutulungan ng magkabilang panig sa iba't ibang aspekto, tulad ng promosyon ng pamilihan, paggalugad ng produkto, pagsasanay ng personahe, transportasyon at komunikasyon.