Ipinahayag Oktubre 27, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang ilang pananalitang isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas hinggil sa isyu ng Soth China Sea(SCS) ay angkop sa diwa ng komong palagay na narating kamakailan ng Tsina at Pilipinas.
Sinabi ni Lu Kang na narating na ng Tsina at Pilipinas ang mga kasunduan, noong dumalaw si Pangulong Duterte sa Tsina. Kabilang dito aniya ang pagpapanumbalik ng talastasan hinggil sa isyu ng SCS, batay sa prinsipyo ng pagpapalakas ng pagtutulungan at pagsasaisangtabi sa pagkakaiba ng palagay.
Ipinalalagay aniya ng Tsina at Pilipinas na ang usaping ito ay hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang panig, kundi makakatulong din sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon.