Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng Tsina, Timog Korea at Hapon na pahigpitin ang kooperasyon para ibayo pang pasulungin ang integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito at magkakasamang harapin ang trade protectionism.
Idinaos Sabado, Oktubre 29, 2016 sa Tokyo ng Hapon ang ika-11 Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng Tsina, Timog Korea at Hapon.
Pagkatapos ng pulong na ito, ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na narating ng tatlong bansa ang mga nagkakaisang posisyon na gaya ng pagpapahigpit ng mga kooperasyon sa ilalim ng balangkas ng World Trade Organization (WTO), Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), at G20, pagsasakatuparan ng mga natamong bunga sa kakatapos na G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina, at pagpapasulong ng pagdating ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at kasunduan ng malayang kalakalan sa pagitan ng tatlong bansa.