Si Fang Fenghui, Chief of General Staff ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina
Nag-usap Oktubre 31, 2016, sa Beijing sina Fang Fenghui, Chief of General Staff ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina at Min Aung Hlaing, dumadalaw na Commander ng Sandatahang Lakas ng Myanmar.
Ipinahayag ni Fang na nakahanda ang hukbong Tsino na magsikap, kasama ng kanyang counterpart mula sa Myanmar, para tupdin ang komong palagay na narating ng mga kataas-taasang liderato ng dalawang bansa, para sa ibayong pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan ng dalawang hukbo, pagpapahigpit ng koordinasyon batay sa balangkas ng multilateral na seguridad, at paggawa ng kani-kanilang ambag sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang hukbo at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Min Aung Hlaing na positibo ang Myanmar sa prinsipyong "Isang Tsina" at paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Nakahanda aniya ang Myanmar na pahigpitin ang pakikipagtulungang militar sa Tsina sa ibat-ibang larangan, at ibayo pang patibayin ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.