si Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina
Nakipag-usap Oktubre 31, 2016, sa Beijing si Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina sa kanyang Malaysian counterpart na si Hishammuddin Hussein. Ipinahayag ni Chang na nitong ilang taong nakalipas, hindi lamang nananatiling mainam ang tunguhing pangkaunlaran ng bilateral na relasyon ng Tsina at Malaysia, kundi mabunga rin ang pragmatikong pagtutulungan at pagpapalitan ng dalawang hukbo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Malaysia para ibayong pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang hukbo, para magkasamang pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Hishammuddin Hussein ang pag-asang hihigpit pa ang pagpapalitan ng Tsina at Malaysia sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng negosasyong pandepensa, magkasanib na pagsasanay, pagdalawan ng mga bapor na panagupa, at pagtutulungan ng mga industriyang pandepensa, para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang hukbo at estado, sa mas mataas na antas.