|
||||||||
|
||
Ipinahayag ito ni Undersecretary Terrado nang imbitahan niya ang mga bahay-kalakal na Tsino na pumasok sa pamilihang Pilipino sa Philippines-China Trade and Investment Forum.
Bilang bahagi ng makasaysayang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina noong Oktubre 18-21, 2016, idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing ang nasabing forum noong Oktubre 20.
Sa kanyang presentasyon sa harap ng mga lider pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, ipinagdiinan ni Undersecretary Terrado ang kahalagahan ng Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas at Tsina.
Bukod sa MSMEs, inilahad din niya ang ibang mga larangan kung saan maaring pumasok ang mga kompanyang Tsino na gaya ng parts and manufacturing at assembly, clothesline manufacturing at industry, textile manufacturing, processing of high-value food, tourism at services.
Isinalaysay rin ni Undersecretary Terrado na bilang isa sa mga ekonomiyang may pinakamabilis lumaki, umaabot sa 6.9% ang karaniwang taunang paglaki ng Dross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas nitong nakalipas na limang taong singkad.
Dagdag pa ni Terrado, ang Pilipinas ay binigyan ng "investment grade rating" ng tatlong pinakamapagkakatiwalaang credit rating companies sa mundo (Fitch, Moody's at Standard and Poor's).
Ayon pa sa kanya, nito lamang Hulyo 2016, itinaas ng Japan Credit Rating Agency and estado ng Pilipinas mula "BBB" sa "BBB+."
Ipinagmalaki rin ni Terrado ang katangian ng mga Pilipinong manggagawa, tulad ng pagiging masipag, mapagkakatiwalaan, edukado, may dedikasyon sa trabaho, bihasa sa wikang Ingles at marami pang iba.
Ito aniya ay isa sa mga katangian kung bakit ang Pilipinas ay isa sa mga napakainam na destinasyon ng investment.
Bukod dito, ang Pilipinas aniya ay nagtataglay din ng mga imprastruktura, na gaya ng mga economic zone, business park, tourism zone, at marami pang iba na makakapagbigay ng preperensyal na trato para sa mga kompanyang Tsino.
Kabilang naman aniya sa mga preperensyal na trato na maaring ibigay ng Pilipinas ay income tax holiday, duty-free importation ng capital equipment, spare parts, hilaw na materyal na ginagamit sa export, at marami pang iba.
Bukod pa riyan, protektado rin aniya ng pamahalaan ng Pilipinas ang salaping inilagak ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga batas at iba pang panuntunan.
/end/rhio/jade//
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |