Nagtagpo Martes, Nobyembre 1, 2016 sa Beijing sina Xu Qiliang, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina, at Min Aung Hlaing, Commander-in-Chef ng tropang pandepensa ng Myanmar.
Sinabi ni Xu na nakahanda ang panig militar ng Tsina na walang humpay na palalimin ang aktuwal na kooperasyon ng panig militar ng dalawang bansa at magkasamang pangalagaan ang katatagan at seguridad ng lugar panghanggahan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Min Aung Hlaing na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang katatagan at kaunlaran ng lugar panghanggahan. Nakahanda aniya siyang palalalimin, kasama ng panig Tsino, ang pagpapalitan at pagtutulungan ng panig militar ng dalawang bansa.