Nag-usap Nobyembre 1, 2016, sa Beijing sina Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at dumadalaw na Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia.
Ipinahayag ni Zhang na nakahanda ang NPC na pahigpitin ang mapagkaibigang pakikipagpalitan sa Parliamento ng Malaysia sa ibat-ibang antas. Aniya, magsisikap ang Tsina, kasama ng Malaysia para palakasin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, para sa ibayong pagpapasulong ng relasyong Sino-Malaysian.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Najib Razak na bilang palaging priyoridad sa patakarang diplomatiko ng Malaysia, nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palalimin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.