Nakipag-usap Nobyembre 1, 2016, sa Beijing si Xi Jinping, Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng Tsina sa dumadalaw na Komander ng Sandatahang Lakas ng Myanmar na si Senior General Min Aung Hlaing.
Binigyang-diin ni Tagapangulo Xi na nagbibigay-galang ang Tsina sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Myanmar, at pinahahalagahan nito ang katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang maisasakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon ng Myanmar, sa lalong madaling panahon. Nakahanda rin aniya ang Tsina na magpatingkad ng konstruktibong papel sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan ng Myanmar.
Ipinahayag din ng Tagapangulong Tsino ang pag-asang ibayong pang mapapalalim ang pragmatikong pagtutulungan ng mga hukbo ng Tsina at Myanmar, at makakagawa ng kani-kanilang ambag para pangalagaan ang komong interes at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Min Aung Hlaing na nagsisikap ang Myanmar para pasulungin ang komprehensibong pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang Myanmar na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong palalimin ang mapagkaibigang pagtutulungang militar sa ibat-ibang larangan. Ito aniya'y makakatulong sa magkasamang pangangalaga sa katatagan ng mga purok-hanggahan ng dalawang bansa.