Nakipagtagpo Nobyembre 2, 2016, sa Tokyo, Hapon si Punong Ministro Shinzo Abe kay dumadalaw na State Counsellor ng Myanmar na si Aung San Su Kyi. Ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe na bibigyan ng tulong sa ibat-ibang larangan ng Hapon ang bagong pamahalaan ng Myanmar. Umaasa aniya siyang hihigpit ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng pinalakas na pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan.
Ipinahayag naman ni State Counsellor Aung San Su Kyi ang paghihintay sa mas maraming suporta ng pamumuhunan at ekspertong pangkabuhayan mula sa Hapon, para pabutihin at pasuluhgin ang pambansang kabuhayan ng Myanmar. Ipinalalagay niyang ang Hapon ay magiging matalik na estratehikong katuwang, sa proseso ng pambansang kasiglaan ng Myanmar.