Idinaos Sabado, Nobyembre5, sa Riga ng Latvia ang ika-6 na Economic at Trade Forum ng China at Central and Eastern European countries (CEEC). Dumalo sa porum na ito si Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga lider ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Gitnang Europa.
Sa kanyang keynote speech, iminungkahi ni Li na dapat pahigpitin ng Tsina at CEEC ang aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan na gaya na pagpapalawak ng bolyum ng bilateral na kalakalan, pagpapabilis ng proseso ng interconnectivity, pagpapalalim ng kooperasyon sa kakayahan ng pagpoprodyus, pagpapahigpit ng kooperasyong pinansiyal, at pagpapasulong ng kooperasyon sa turismo.
Bukod dito, inilahad din ni Li ang kalagayan ng kabuhayang Tsino. Sinabi niyang mananatiling matatag at mabilis ang paglaki ng kabuhayang Tsino at bukas rin ang pamilihang Tsino sa komunidad ng daigdig. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng Tsina ay magdudulot ng magandang pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng CEEC.