Nag-usap Nobyembre 2, 2016, sa Bishkek, Kyrgyzstan sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Sooronbay Zheenbekov ng Kyrgyzstan.
Ipinahayag ni Premyer Li na nananatiling matibay at mahigpit ang pagtitiwalaang pampulitika at pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas. Samantala, nagiging masigla rin aniya ang pragmatikong kooperasyon at pagpapalitan ng mga tauhan ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kyrgyzstan, para pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng produktibong lakas, transportasyon, imprastruktura, agrikultura, turismo, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Sooronbay Zheenbekov ang pag-asang matutupad ang komong palagay na narating ng mga liderato ng Tsina at Kyrgyzstan para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para ibayong pahigpitin ang diyalogong pampulitika, at pasulungin ang konstruksyon ng "Belt and Road Initiative," sa pamamagitan ng pinalakas na pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan. Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa PM Meeting ng Shanghai Cooperation Organization, na nakatakdang idaos sa Kyrgyzstan.