Nag-usap Nobyembre 2 ng gabi, 2016, sa Bishkek, Kyrgyzstan sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Almazbek Atambayev ng Kyrgyzstan.
Ipinahayag ni Premyer Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Kyrgyzstan para palalimin ang pagtitiwalaang pampulitika, pahigpitin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, para ibayong pang pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Pangulong Almazbek Atambayev na nakahanda ang Kyrgyzstan na totohanang tupdin ang mga narating na komong palagay sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng dalawang bansa, para pahigpitin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na sa larangan ng transportasyon, telecommunication, at pinansya. Ito aniya'y makakatulong sa ibayong pagpapalalim ng mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.