Natapos kamakailan sa Yunnan Police College, sa Kunming, Punong Lunsod ng Lalawigang Yunnan, Tsina, ang kauna-unahang pagsasanay ng mga Pilipinong alagad ng batas laban sa ilegal na droga.
Lumahok ang 50 opisyal na Pilipino sa naturang 15-araw na pagsasanay. Ipinabatid sa kanila ang hinggil sa kalagayan ng paglaban sa droga ng Tsina, pandaigdig na kooperasyon sa paglaban sa droga, pag-aanalisa at pagtasa ng mga impormasyong may kinalaman sa ilegal na droga, mga bagong uri ng ilegal na droga, at iba pang propesyonal na kaalaman. Ibinahagi rin ng mga opisyal Tsino ang mga karanasan sa paglaban sa droga.
Salin: Liu Kai