|
||||||||
|
||
Sinabi ni Herman Laurel, host ng GNN TV, na ang pagbalik ng relasyong Pilipino-Tsino sa normal na landas ay magpapasigla sa kooperasyon ng dalawang bansa. Ito aniya ay makakatulong sa konstruksyon ng imprastruktura, paglaki ng pamumuhunan at kalakalan, pagluluwas ng mga prutas ng Pilipinas, at makikinabang dito ang mga Pilipino.
Sinabi ni Aileen Baviera, propesor ng Asian Center ng University of the Philippines, na sa pamamagitan ng naturang pagdalaw, magiging mas konstruktibo ang relasyong Pilipino-Tsino.
Si Wilson Flores Lee, columnist ng Philippine Star, ay kasama ni Pangulong Duterte sa Tsina. Aniya, matagumpay sa kapwa aspekto ng kabuhayan at pulitika ang pagdalaw na ito, at nasaksihan niya ang pagkakaibigan at katapatan ng mga lider at mamamayang Tsino.
Sinabi ni Francis Chua, President Emeritus ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, na ang aktibong paglahok ng sirkulong komersyal ng Pilipinas sa naturang pagdalaw ay nagpakita ng kanilang pananabik sa pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Sinabi ni Antonio Valdes, dating Pangalawang Kalihim ng Edukasyon ng Pililpinas, na ang naturang pagdalaw ay makakatulong sa komong kasaganaan ng Pilipinas at Tsina, pagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at magpapasulong din sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.
Sinabi naman ni Tagapangulo Jose Romulo ng Foreign Relations Committee ng Pilipinas, na batay sa pundamental at komong interes ng Pilipinas at Tsina, at hangarin ng kani-kanilang mga mamamayan, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang komprehensibong pagbuti ng kanilang relasyon, at pagtatamo ng mas malaking pag-unlad.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |