Sinabi kahapon, Miyerkules, ika-2 ng Nobyembre 2016, sa Beijing ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, pumasok na ang relasyong Sino-Pilipino sa bagong yugto ng pag-unlad.
Dagdag pa ni Hua, nananalig ang panig Tsino, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapwa panig, magiging mas maganda ang kinabukasan ng relasyong Sino-Pilipino.
Binigyan din niya ng positibong pagtasa ang ginawa ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang espesyal na sugo sa Tsina. Ani Hua, ang mga taong may pangmalayuang pananaw, na kinabibilangan ni Ramos, ay nagbigay ng konstruktibong ambag sa pagbuti at pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Liu Kai