Kasiya-siyang natapos Miyerkules, ika-9 ng Nobyembre, 2016, ang ika-2 magkasanib na paglalayag ng mga pulisyang pandagat ng Tsina at Biyetnam sa komong rehiyong pangisdaan sa Beibu Bay ngayong taon.
Ipinahayag ni Liu Tianrong, Pangkalahatang Komander ng panig Tsino sa nasabing misyon, na naisakatuparan ng kapuwa panig, sa kauna-unahang pagkakataon, ang dalawang beses na magkasanib na paglalayag sa loob ng isang taon. Isinagawa aniya, sa kauna-unahang pagkakataon, ang magkasanib na pagsasanay sa paghahanap at pagliligtas sa dagat, at makakabuti ito sa pagpapataas ng kakayahan sa pagkokoordina, pag-oorganisa, at pagsasagawa ng reaksyon sa proseso ng paghahanap at pagliligtas sa dagat. Isinagawa rin aniya ang pagpapalitan sa larangan ng pagpapatupad ng batas sa dagat. Ipinadala ng magkabilang panig ang mga tauhan sa mga bapor ng isa't isa, para panoorin at tularan ang karanasan ng isa't isa, bagay na nagpalakas ng pagpapalitan ng mga tauhan at kooperasyon sa konstruksyon ng kakayahan sa pagpapatupad ng batas, aniya pa.
Salin: Vera