|
||||||||
|
||
Ang golden gingko trees sa loob ng Shaolin Temple matatagpuan sa bundok Songshan, lunsod ng Dengfeng sa probinsyang Henan ng Tsina ay mahigit 1500 taong gulang na, at mga 25 metro ang taas. Nasaksihan daw ng punong kahoy na ito ang buong kasaysayan ng pagtatatag ng Shaolin Temple.
Mistulang isang karpet ang mga nalalaglag na dahon ng golden gingko tree sa labas ng Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing. Napakapopular ang lugar na ito sa mga turista sa Beijing kapag sa tag-lagas.
Ang dahon ng mga golden gingko tree sa daang patugong Shanghai Concert Hall.
Mga mamamayan at estudyante, habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa campus ng Liaoning University, lunsod ng Shenyang sa dakong hilagang silangan ng Tsina.
Dahon ng golden gingko tree sa Yonghe Lama Temple sa Beijing.
Ang nalalaglag na dahon ng golden gingko tree sa isang kalye sa lunsod ng Rizhao, probinsyang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina
Mga estudyanteng naglalakad sa ilalim ng golden gingko tree sa Shandong University of Sciences and Technology sa lunsod ng Qingdao, probinsyang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |