Ipinatalastas kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na idaraos ang Ika-27 na Pulong ng Joint Commission on Commerce and Trade (JCCT) ng Tsina at Amerika sa Washington, D.C. sa ika-21 hanggang ika-23 ng Nobyembre.
Ani Lu, ang nasabing pulong ay huling mataas na diyalogong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika sa taong ito. Batay sa narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, magpapalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa mga mahalagang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan, at pagpapalawak ng kooperasyon ng dalawang panig.
salin:Lele