|
||||||||
|
||
Tungkol sa ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China, sinabi nitong Biyernes, Setyembre 30, 2016, ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang kooperasyong Amerikano-Sino ay nakakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig. Patuloy aniyang magsisikap ang Amerika para mapalakas ang relasyong ito.
Ani Kerry, sa naturang okasyon, sa ngalan ni Pangulong Barack Obama at mga mamamayang Amerikano, ipinadala niya ang taos-pusong pagbati sa mga mamamayang Tsino.
Sinabi rin niya na winiwelkam ng kanyang bansa ang pag-ahon ng isang matatag, mapayapa, at masaganang Tsina. Mainit ding tinatanggap ng Amerika ang pagpapatingkad ng Tsina ng konstruktibong papel sa mga suliraning pandaigdig.
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, ang relasyong Amerikano-Sino ay sumasaklaw sa lahat ng larangang pangkooperasyon, at isinagawa ng dalawang pamahalaan ang mga pragmatikong pakataran para mapasulong ang pagpapalagayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |