|
||||||||
|
||
Isang resepsyon ang idinaos nitong Martes, Setyembre 27, 2016, sa Embahadang Tsino sa Amerika bilang pagdiriwang sa ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Ipinahayag sa resepsyon ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na ang pag-unlad ng Tsina ay hindi lamang nakakapagpabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, kundi nagkakaloob ng mas maraming pagkakataon para sa buong daigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na isabalikat ang mas maraming responsibilidad at gawin ang mas maraming ambag sa komunidad ng daigdig. Nagaganap ang malalim at masalimuot na pagbabago sa kasalukuyang daigdig, at ang kooperasyong Sino-Amerikano ay nagiging susi para harapin ang mga hamon sa ika-21 siglo, dagdag pa ni Cui.
Si Cui Tiankai
Ipinahayag din niya na ang paggarantiya sa matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano at maalwang transisyon ng bagong pamahalaang Amerikano ay angkop hindi lamang sa komong kapakanan ng dalawang panig, kundi maging sa interes ng komunidad ng daigdig. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano, para magkasamang harapin ang mga hamong kinakaharap ng kasalukuyang daigdig.
Si Kristie Kenney
Sa kanya namang mensahe, maringal na bumati si Kristie Kenney, kinatawang Amerikano sa nasabing resepsyon, sa ika-67 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Ipinahayag niya na walang humpay na pinalalakas ng Amerika at Tsina ang kanilang pagkokoordinahan at pagtutulungan, buong sikap nilang pinalalalim ang pagtitiwalaan, at maayos na hinahawakan at kinokontrol ang pagkakaiba ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |