Noong isang linggo, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi babaguhin ng resulta ng pambansang halalan ng Amerika ang kanyang kapasiyahang itatag ang mas mahigpit na relasyon sa Tsina at mga bansang Timog Silangang Asyano. Patuloy aniya siyang magpapasulong ng kaukulang gawain.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing Lunes, Nobyembre 14, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Pilipino, upang walang humpay na mapalawak at mapalalim ang kooperasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Geng na kinakatigan ng Tsina ang lahat ng bansa sa pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina sa pundasyon ng pagkakapantay-pantay at paggagalangan sa isa't-isa.
Salin: Li Feng