|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina - Sinabi ni George T. Barcelon, Pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na napakahalaga ng pag-unlad ng relasyong pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, at ang maraming bilang ng mga Pilipinong negosyante na nagpunta sa Tsina, kasama ni Pangulong Duterte ay nagpapakita ng kahalagahang ito. Humigit-kumulang 450 mangangalakal na Pilipino ang kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang katatapos na biyahe sa Tsina.
Ipinahayag ito ni Barcelon sa kanyang talumpati sa Philippines-China Trade and Investment Forum.
Bilang bahagi ng makasaysayang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina noong Oktubre 18-21, 2016, idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing ang nasabing forum noong Oktubre 20.
Sinabi rin ni Barcelon, na ayon sa datos mula Philippines-China Trade and Investment Council (PCTIC), umaabot sa halos $50USD bilyon ang halaga ng trade sa pagitan ng Pilipinas at Tsina noong 2015.
Ito ay mas malaki ng 2.7% kumpara sa nakaraang taon, aniya pa.
Ani Barcelon, ayon pa rin sa PCTIC, ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking trading partner ng Tsina.
Subalit, idinagdag ni Barcelon na bagamat patuloy ang pag-unlad ng trade sa pagitan ng dalawang bansa, iba naman ang kuwento ng investment.
"Ang net direct investment ng Tsina noong 2014 ay nasa $40USD milyon."
Kung ikukumpara aniya ang halagang ito sa investment na ginawa ng Tsina sa ibang bansa ng Association of Southeast Asian (ASEAN), ito ay lubhang maliit.
Kaya, umaasa aniya siyang magkakaroon ng mas marami pang investment mula sa Tsina.
Dagdag niya, napakalaki ng potensyal ng relasyong pang-negosyo sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Nakahanda aniya ang sektor na pang-negosyo ng Pilipinas na makipagtulungan sa kanilang mga counterpart na Tsino upang makapagbigay ng pag-unlad para sa dalawang bansa.
Inaasahan din aniya niyang sa pamamagitan ng Philippines-China Trade and Investment Forum, maraming pang oportunidad ang magagawa upang makapagbigay ng pag-unlad at kaginhawan para sa Pilipinas at Tsina at para sa kanilang mga mamamayan.
Ani Barcelon, habang tinitingnan niya ang bandila ng Pilipinas at Tsina na iwinawagayway ng hangin, naramdaman niya sa kanyang puso ang pagkagalak at karangalan sa mainit na pagtanggap na ibinibigay ng pamahalaan ng Tsina at kanilang mga counterpart na Tsino.
/end/rhio/jade//
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |