|
||||||||
|
||
"Ang pagbabago ay dumating!"
Ito ang ipinahayag ni Francis Chua, Tagapangulo ng Philippines-China Trade and Investment Council (PCTIC), sa kanyang talumpati sa Philippines-China Trade and Investment Forum.
Bilang bahagi ng makasaysayang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Tsina noong Oktubre 18-21, 2016, idinaos sa Great Hall of the People sa Beijing ang nasabing forum noong Oktubre 20.
Sinabi niyang nasa 500 mangangalakal na Pilipino ang kasama ni Pangulong Duterte upang magpaabot ng matatag na suporta sa libong taon nang pagkakaibigan ng mga Pilipino't Tsino.
Dagdag niya, mayroong napakahabang kasaysayan ang pagpapalitan ng mga Pilipino at Tsino, bago pa man dumating ang mga Kastila, at ayon sa estadistika ng Pilipinas, 2% ng mga Pilipino ay may dugong Tsino.
Aniya pa, ang mga Pilipino at Tsino ay ibinubuklod, hindi lamang ng mapagkaibigang relasyon, kundi ng bigkis ng pagiging magkapamilya.
Kaya naman, nararapat lamang na lalo pang palakasin at ipagpatuloy sa panahong ito ang naturang bukluran at pagkakaibigan, dagdag ni Chua.
Aniya, sa suporta ng Department of Trade and Industry (DTI) at pagtataguyod ng mga nangungunang institusyong pang-negosyo ng Pilipinas na gaya ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCII), at iba pa, ang mga negosyanteng Pilipino ay magkakaroon ng mga business to business contract sa kanilang mga counterpart na Tsino, na nagkakahalaga ng $USD10.9 bilyong dolyar at makakagawa ng halos 2 milyong trabaho para sa mga Pilipino.
Mayroon din aniyang ibang negosyanteng Pilipino na piniling magkaroon ng kontrata kasama ang kanilang mga counterpart na Tsino sa ibang larangan na tulad ng 1,200 megawatt oil pipeline.
Ito aniya ay nagpapakita ng konkreto at aktibong partisipasyon ng komunidad na pang-negosyo ng Pilipinas sa makasaysayang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Tsina.
/end/rhio/jade//
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |