Ipinahayag kamakailan ni Donald Trump, bagong halal na Pangulong Amerikano ang nakatakdang pagpapabuti sa konstruksyon ng imprastruktura ng bansa, na kinabibilangan ng daambakal, tulay, paliparan, paaralan, ospital at iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 14, 2016 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang palalawakin ang pragmatikong pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaang Tsino at bagong pamahalaang Amerikano, sa ibat-ibang antas at larangan.
Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag hinggil sa pagsasagawa o hindi ng kooperasyon ng Tsina at Amerika sa imprastruktura, ipinahayag ni Geng na susuportahan ng Tsina ang lahat ng mga kooperasyon at proyekto na makakatulong sa pagpapalawak ng komong interes ng mga mamamayang Tsino at Amerikano.