Sa kanyang pananatili sa Beijing, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-4 ng Nobyembre 2016, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na sa susunod na taon, may pag-asang magagamit sa Malaysia ang Alipay, pangunahing online payment platform ng Tsina. Ito aniya ay magpapaginhawa sa paggasta ng mga turistang Tsino sa Malaysia.
Bukod dito, sinabi rin ni Najib, na para ibayo pang paginhawahin ang paglalakbay ng mga turistang Tsino sa Malaysia, isasaoperasyon ng mga airline company ng bansang ito ang mga flight sa mas maraming lunsod ng Tsina.
Salin: Liu Kai