Nilagdaan kamakailan sa Beijing ng mga kompanya ng Tsina at Malaysia ang kontrata hinggil sa konstruksyon ng daambakal sa silangang baybaying-dagat ng Malaysia. Halos 74.5 bilyong yuan RMB o USD 11 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng proyektong ito, at lalahok sa konstruksyon ang China Communications Construction Company.
Samantala, ayon sa may kinalamang kasunduan, sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Malaysia, ipagkakaloob ng panig Tsino sa naturang proyekto ang 55 bilyong Ringgit o mahigit 13 bilyong Dolyares na pautang na may mababang tubo.
Animnaraang (600) kilometro ang haba ng naturang daambakal, at i-uugnayan nito ang 8 malaking lunsod sa silangang baybaying-dagat ng Malaysia. Nakatakdang simulain sa unang dako ng susunod na taon ang konstruksyon ng nasabing daambakal, at matatapos ito sa loob ng 5 hanggang 6 na taon.
Salin: Liu Kai