Nobyembre 15, 2016, sa Tehran, kabisera ng Iran, kinatagpo ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran ang dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Tsina na si Chang Wanquan.
Ipinaabot ni Chang kay Pangulong Rouhani ang pagbati mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag ni Chang na nitong ilang taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Iran, walang tigil na lumalawak ang pagkakatigan sa isat-isa at tumitibay ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa, sa harap ng masalimuot na situwasyong pandaigdig. Umaasa aniya siyang tutupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng Tsina at Iran at palalalimin ang pagpapalitan, para ibayong isulong ang pagtutulungan ng dalawang bansa at hukbo.
Ipinahayag naman ni Pangulong Hassan Rouhani ang pagbati kay Pangulong Xi Jinping. Ipinahayag ni Rouhani na ang pagdalaw ng Pangulong Tsino sa Iran, noong Enero, 2016 ay ibayong nagpapasulong sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Iran na magsikap, kasama ng Tsina para totohanang matupad ang resultang natamo sa nasabing pagdalaw.