|
||||||||
|
||
Sina Xi at Rouhani
Sa kanilang pag-uusap kahapon, Sabado, ika-23 ng Enero 2016, sa Tehran, sinang-ayunan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, ang pagtatatag ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito anila ay para pasulungin ang relasyong Sino-Iranyo, at magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sina Xi at Rouhani
Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina na palakasin, kasama ng Iran, ang kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative. Dagdag niya, umaasa ang Tsina na maalwang ipapatupad ang komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran.
Binigyan naman ni Rouhani ng mataas na pagtasa ang pagdalaw ni Pangulong Xi. Aktibong lalahok aniya ang Iran sa "Belt and Road" Initiative. Pinasalamatan din niya ang Tsina sa ambag nito sa paglutas ng isyung nuklear ng Iran.
Sina Xi at Khamenei
Sina Xi at Larijani
Nang araw ring iyon, nakipagtagpo rin si Xi kina Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei, at Parliamentary Speaker Ali Larijani ng Iran.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |