Pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Saudi Arabia, Ehipto, at Iran, umuwi ngayong araw, Linggo, ika-24 ng Enero 2016, sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Kaugnay ng biyaheng ito, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ipinakikita nito ang lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa relasyon sa naturang 3 bansa at buong rehiyon ng Gitnang Silangan. Ito rin aniya ay para pasulungin ang kapayapaan, kaunlaran, at rekonsilyasyon sa naturang rehiyon.
Sinabi rin ni Wang na mabunga ang nasabing biyahe, at sa pamamagitan nito, napalalim ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at naturang 3 bansa. Umaasa rin aniya siyang ang patakaran ng Tsina sa Gitnang Silangan ay makakatulong sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai