Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(updated) Pagpapalagayang Sino-Pilipino, komprehensibong napanumbalik

(GMT+08:00) 2016-10-21 11:47:32       CRI

Beijing, China — Sa pag-uusap nitong Huwebes, Oktubre 20, 2016, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang lider na pasulungin ang komprehensibong pagpapabuti ng relasyong Sino-Pilipino at pagtatamo nito ng mas malaking progreso. Ipinahayag din nila ang kahandaang maayos na lutasin ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at pagsasanggunian.

Sapul nang manungkulan si Pangulong Duterte, ito ang kanyang unang biyahe sa China. Ito rin ang unang pagkikita ng dalawang lider sapul nang magsimulang bumuti ang relasyong Sino-Pilipino.

Tinukoy ni Pangulong Xi na bagama't nararanasan ng Tsina at Pilipinas ang mga pagsubok, hindi nagbabago ang pundasyon ng damdamin at mithiin sa kooperasyon ng dalawang panig. Lubos aniyang pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon sa panig Pilipino. Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Pilipinas, upang mapasulong pa ang relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang kasalukuyang panahon ay tagsibol para sa relasyong Pilipino-Sino. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang relasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag din ni Pangulong Duterte na ang Tsina ay isang dakilang bansa, at hinding-hindi magbabago ang mahabang tradisyonal na pagkakaibigang Pilipino-Sino.

Pinasasalamatan aniya ng Pilipinas ang ibinibigay na tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa. Nakahanda ang panig Pilipino na pasulungin ang mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, at palalimin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan ng dalawang panig sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, dagdag pa ni Duterte.

Pagkaraan ng pag-uusap, magkasamang sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa 13 bilateral na dokumentong pangkooperasyon hinggil sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, kakayahan ng produksyon, agrikultura, turismo, paglaban sa droga, pinansya, at konstruksyon ng imprastruktura.

Pagkaraan nito, ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina, na tiniyak na ng dalawang lider ang komprehensibong pagpapanumbalik ng pagpapalagayan ng dalawang bansa. Kabilang dito aniya ay pagpapanumbalik ng diplomatikong pagsasanggunian, pagsasanggunian sa pandepensang seguridad, mga magkasanib na komisyon tungkol sa kabuhayan, kalakalan, agrikultura, siyensiya't teknolohiya, at iba pang mekanismo ng bilateral na kooperasyon.

Tungkol sa isyu ng South China Sea, isiniwalat ni Liu na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na maayos na hawakan ang isyung ito sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo at pagsasanggunian. Narating din aniya ng dalawang lider ang maraming komong paagay sa mga aspektong gaya ng kooperasyon sa pangingisda. Nakahanda ang panig Tsino na isagawa ang pakikipagkooperasyon sa Pilipinas sa mga aspektong tulad ng aquaculture, at aquatic products processing upang tulungan ang mga mangingisdang Pilipio sa pagresolba sa problema sa ikakabuhay, dagdag pa niya.

Bukod sa delegasyong pampamahalaan na kinabibilangan ng mga Kalihim ng Ugnayang Panlabas, Depensa, Pinansya, at iba pa, mahigit 300 mangangalakal din ang kasali sa opisyal na delegasyon ng pagbisita ni Pangulong Duterte sa Tsina. Samantala, nang isiniwalat ng isang tagapagsalitang Pilipino na ang temang pangkabuhayan at pangkalakalan ang magiging pangunahing pokus ng biyahe ni Duterte sa China.

Tungkol dito, isinalaysay ni Liu ang natamong "listahan ng bunga" na narating ng dalawang panig. Ito aniya ay nangangahulugang pumasok na ang pragmatikong kooperasyong Sino-Pilipino sa bagong yugto.

Kabilang sa nasabing listahan ay pagkatig sa pakikilahok ng Pilipinas sa konstruksyon ng "Maritime Silk Road;" pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa konstruksyon ng imprastruktura, at aktibong pagtangkilik ng panig Tsino sa usaping ito ng Pilipinas; pagpapawalang-bisa ng panig Tsino sa travel advisory sa paglalakbay sa Pilipinas, at pag-enkorahe sa paglalakbay ng mga mamamayang Tsino sa Pilipinas; pagpapanumbalik sa pagluluwas ng prutas sa Tsina ng 27 kompanyang Pilipino, at iba pa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>