Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum, binuksan sa Tuole

(GMT+08:00) 2016-11-17 15:04:46       CRI

Panxian, Guizhou — Sa pagtataguyod ng pamahalaan ng bayang Panxian at China-ASEAN Business Council (CABC), binuksan Huwebes, Nobyembre 17, 2016, ang unang China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum. Dumalo rito ang 303 personaheng kinabibilangan ng mga opisyal, diplomata, kinatawan ng mga bahay-kalakal, at iskolar mula sa Tsina at ASEAN.

2016 ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) Tuole

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Fu Chuanyao, Pangalawang Puno ng Pirmihang Lupon ng Kongresong Bayan ng probinsyang Guizhou, na kapwa nasa loob ng isang rehiyon ang Tsina at ASEAN. Sa proseso ng integrasyon ng kabuhayang pandaigdig, napakalaki ng potensyal ng kooperasyong Sino-ASEAN, aniya pa.

2016 ng China-ASEAN International Production Capacity Cooperation Forum (CAIPCCF) Tuole

Ipinahayag din ni Xu Ningning, Executive Director ng CABC, na mabunga ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Aniya, sa pag-unlad ng relasyong ito, may mga bentahe ang dalawang panig sa mga aspektong gaya ng lokasyong heograpikal, kultura, at patakaran.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>