Idinaos Nobyembre 16, 2016, sa Vientiane, kabisera ng Laos ang closed-door meeting ng mga Ministrong Pandepensa ng Association of South East Asian Nations(ASEAN). Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa kalagayang panseguridad ng rehiyon at daigdig.
Bilang chairman ng nasabing pulong, ipinahayag ni Chansamone Chanyalath, Ministrong Pandepensa ng Laos sa seremonya ng pagbubukas, na sa ibat-ibang banta at hamon mula sa mga tradisyonal at di-tradisyonal na larangang panseguridad, inaasahang magkasamang magsisikap ang lahat ng mga bansang ASEAN para harapin ang mga ito.
Aniya pa, sa mabilisang pagbabago ng masalimuot na kalagayang panrehiyon at pandaigdig, patuloy na susubaybayan ng ASEAN, kasama ng komunidad ng daigdig ang hamon at pag-unlad na ginaganap sa ibat-ibang sulok ng daigdig.