Idaraos sa ika-17 ng buwang ito, sa Pan County, Lalawigang Guizhou, sa timog kanluran ng Tsina, ang kauna-unahang porum ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa pandaigdig na kooperasyon sa production capacity. Ang tema ng porum na ito ay "pakikisangkot sa Maritime Silk Road, at pagpapasulong ng pandaigdig na kooperasyon sa production capacity."
Kaugnay ng porum na ito, sinabi ngayong araw, Martes, ika-15 ng Nobyembre 2016, ni Fu Guoxiang, Party Secretary ng Pan County, na ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa production capacity ay mahalagang bahagi ng "Road and Belt" initiative ng Tsina. Sasamantalahin aniya ng Pan County ang sariling mga bentahe sa enerhiya, agrikultura, turismo, at iba pang aspekto, para pasulungin ang naturang kooperasyon, at aktuwal na makinabang dito ang Tsina at mga bansang ASEAN at kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Liu Kai