HIGIT sa 100 mga politiko ang umalos ma sa Liberal Party at lumipat sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang PDP-Laban. Ipinaliwanag ni Senador Pangilinan na posibleng magpulong na lamang ang Liberal Party sa loob ng isang Volkswagen Beetle.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Senador Pangilinan na hindi Partido Liberal ang namumuno sa mga pagkilos sa nakalipas na ilang taon. Marami na umanong nalagas sa kanilang hanay sapagkat karamihan sa mga politiko ay lumipat na sa partido ni Pangulong Duterte.
Wala na umanong sapat na bilang ang mga Liberal, dagdag pa ni Senador Pangilinan kaya't hindi angkop ang sinasabi ng mga pumupuna na pawang Liberal ang kumokontra sa pagpapalibing sa dating pangulo ng bansa.