Nobyembre 20, 2016, naganap ang mainitang palitan ng putok sa pagitan ng sandatahang lakas ng mga pambansang minorya at pamahalaan ng Myanmar sa gawing hilaga, malapit sa purok-hanggahan ng Myanmar at Tsina.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubusang pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa, at sinusubaybayan ang mga pag-unlad hinggil sa naturang pangyayari. Umaasa aniya ang Tsina na magtitimpi ang mga may-kinalamang panig, at ititigil ang aksyong militar para mapigil ang eskalasyon ng situwasyon. Samantala, umaasa rin aniya ang Tsina na ipagpapatuloy ng ibat-ibang panig ng Myanmar ang diyalogo, para totohanang pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng bansa.