Nobyembre 21, 2106, sa Lima, kabisera ng Peru, nag-usap sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Pedro Pablo Kuczynski Godard ng Peru. Positibo ang dalawang lider sa natamong bunga ng pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, nitong 45 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang palalalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Peru, at pasusulungin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, para ibayong palakasin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino na bilang punong-abala ng ika-24 na APEC Summit, gumawa ang Peru ng mahalagang ambag para sa natamong tagumpay ng pagtitipon. Aniya, ang isang serye ng resultang natamo sa naturang summit ay magbibigay ng mas malaking kasiglaan para sa pangmatagalang pag-unlad at komong kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Ito aniya'y nagpapakita ng pagsisikap at katalinuan ng Peru at mga bansa ng Latin-Amerika. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Peru at mga kasapi ng APEC, para ibayong pasulungin ang proseso ng malayang sonang pangkalakalan ng rehiyong Asya-Pasipiko, at mas bukas na kabuhayan ng Asya-Pasipiko, para pasulungin ang paglaki ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Pangulong Kuczynski na bilang mapagkaibigang estratehikong magkatuwang, may malaking potensyal ang pagtutulungan ng Tsina at Peru sa kabuhayan, kalakalan, kultura, tauhan, at iba pang larangan. Nakahanda aniya ang Peru na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang upgrade ng free trade agreement ng dalawang bansa. Hinihintay aniya ng Peru ang mas maraming pamumuhunan mula sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Samantala, umaasa aniya siyang hihigpit ang pakikipagtulungan sa Tsina sa edukasyon, kultura, at turismo, para palawakin ang pagpapalitan ng mga tauhan.