Kaugnay ng katatapos na Ika-24 na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders' Meeting, ipinahayag ng panig Tsino na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), ay isa sa mga pinakamahalagang talastasan para matupad ang malayang kalakalang panrehiyon, at makakabuti ito sa pagpapatupad ng balak na itatag na Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP). Ang maaagang pagkakaroon ng kasunduan ay makakabuti sa paglaki ng kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng mga kasapi.
Ipinahayag ni Tan Jian, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Kabuhayang Pandaigdig ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, dahil umahon ang proteksyonismo, gustong gusto ng mga kasapi ng RCEP na pabilisin ang progreso ng talastasan at marating ang kasunduan sa lalong madaling panahon. Aniya pa, patuloy at buong sipag na nakikipagkooperasyon ang Tsina sa mga may kinalamang bansa para tapusin ang talastasan at makapagbigay-ambag sa integrasyong pangkabuhayan sa rehiyon.