Lima, kabisera ng Peru--Idinaos Linggo, Nobyembre 20, 2016, ang Ika-24 na Taunang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting.
Ang tema ng nasabing pulong ay Dekalidad na Paglaki at Pag-unlad na Pantao (Quality Growth and Human Development). Kabilang sa mga paksa ay integrasyong panrehiyon, pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko, konektibidad at kooperasyong panserbisyo.
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga miyembor ng APEC na manangan sa kanilang pangako na ibayo pang pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan at magkakasamang pag-unlad, sa kabila ng mga hamon at hadlang.
Ipinaghayag din ni Pangulong Xi ang pasasalamat at paghanga sa kolektibong estratehikong pag-aaral ng mga miyembro ng APEC sa taong ito para maitatag ang Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP). Ang proposal ng pagtatatag ng FTAAP ay inilunsad sa 2014 APEC Meeting sa Beijing. Layon nitong pasulungin ang pagbubukas ng kabuhayan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Inaasahan din ni Xi ang maagang pagtatatag ng nasabing malayang sonang pangkalakalan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio