Pagkatapos ng pag-uusap kahapon ng hapon, Martes, November 1, 2016, sa Beijing, nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, ipinahayag ni Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina sa mga mediang Tsino at dayuhan, na narating sa pag-uusap ang maraming komong palagay hinggil sa pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito aniya ay magpapasulong sa relasyon ng Tsina at Malaysia sa bagong antas.
Ayon pa rin kay Liu, matagumpay at mabunga ang pagdalaw sa Tsina ng Malaysian PM. Nilagdaan ng dalawang bansa ang 14 na dokumento hinggil sa bilateral na kooperasyon, lalung-lalo na, hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at pagdepensa.
Salin: Liu Kai