|
||||||||
|
||
China-Latin America Media Summit
Santiago, Chile — Sa magkasanib na pagtataguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Tsina at Economic Commission for Latin America and Caribbean (ECLAC), binuksan sa ECLAC headquarters nitong Martes, Nobyembre 22, 2016, ang China-Latin America Media Summit. Sa kanyang talumpati sa summit, nanawagan si Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International (CRI), sa mga mediang Tsino at Latin-Amerikano na palawakin ang larangang pangkooperasyon, pataasin ang lebel na pangkooperasyon, at palakihin ang benepisyong pangkooperasyon ng dalawang panig upang mapasulong ang malalimang pag-unlad ng kooperasyong Sino-Latin Amerikano.
Isinalaysay ni Wang na palagiang nagsisikap ang CRI na isalaysay ang Tsina sa daigdig, isalaysay ang daigdig sa Tsina, at ibalita ang daigdig sa daigdig. Layon nito aniyang palalimin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at buong mundo. Aniya, kasalukuyang ginagamit ng CRI araw-araw, ang 65 uri ng wikang tulad ng Spanish at Portuguese, para palaganapin sa buong daigdig. Kabilang sa mga pormang panglaganap nito ay brodkast sa radio, telebisyon, magasin, internet, at mobile media, ani Wang.
Ipinagdiinan din ni Wang na ang Latin-Amerika ay rehiyon kung saan puspusang pinalalawak ng CRI sa pagpapalaganap. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, pinabibilis ng CRI ang pagtatayo ng mga sangay sa rehiyong Latin-Amerikano, pinalalalim ang media cooperation, at nililikha ang mga may-tatak na proyekto, sa gayo'y nabuo ang kayarian ng multi-media service para sa nasabing rehiyon.
Tungkol sa pagpapasulong ng media cooperation sa pragmatikong kooperasyong Sino-Latin Amerikano, iniharap ng CRI President ang dalawang mungkahing kinabibilangan ng una, pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang panig sa pagpapalaganap; ikalawa, magkasamang pagtataguyod ng proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig.
Binigyan naman ng mga kalahok ng lubos na papuri at mainit na reaksyon ang nasabing mungkahi ni Wang. Mataas na hinahangaan ni Ginang Alicia Bárcena, Executive Secretary ng ECLAC, ang binigkas na talumpati ni Wang. Inaasahan aniya niyang aktibong matutugunan ng mga mediang Sino-Latin Amerikano ang nasabing dalawang mungkahi ni Presidente Wang upang magkakasamang mapataas ang pangkalahatang kooperasyon ng dalawang panig sa isang bagong lebel.
Kinapanayam si Wang Gengnian ng reporter mula Prensa Latina ng Cuba
Kinapanayam si Wang Gengnian ng reporter mula Trade, Industry and Services Daily ng Brazil
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |