Sa Forum on Development Finance Supporting the Infrastructure Building and Industries Development in Indonesia Miyerkules, ika-23 ng Nobyembre, 2016, nanawagan si Wang Liping, Economic and Commercial Counselor ng Tsina sa Indonesia, na pag-ukulan ng pansin ang kinakaharap na hamon at kahirapan ng kooperasyong Sino-Indonesian.
Si Wang Liping, Economic and Commercial Counselor ng Tsina sa Indonesia
Tinukoy ni Wang na sa kasalukuyan, ang mga pangunahing kahirapan ng pamumuhunan at pagsisimula ng negosyo ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Indonesia ay: una, napakaikli ng panahon ng transisyon ng ilang bagong inilabas na patakaran, at napakadalas ng pagbabago ng ilang patakaran; ika-2, mahirap ang pagkakalap ng lupa; at ika-3, mahirap ang pag-aaplay ng working visa.
Ipinalalagay niyang kung nais ng mga bahay-kalakal na Tsino na harapin ang nasabing mga hamon, dapat pabutihin ang tatlong pagbabago, na kinabibilangan ng pagbabago mula kalakalan sa pamumuhunan, pagbabago mula Engineering Procurement Construction (EPC) sa integrasyon ng konstruksyon at pamamalakad, at pagbabago ng "grupong Tsino, bilis ng Tsina" sa "grupong Indonesian, bilis ng Tsina."
Salin: Vera