Idinaos kahapon, Biyernes, ika-25 ng Nobyembre 2016, sa Nay Pyi Taw, Myanmar ang unang pulong ng mga ministring panlabas at ministri ng tanggulang bansa ng Tsina at Myanmar.
Ipinahayag ng kapwa panig ang pagpapahalaga sa kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa. Dapat anilang pahupain sa lalong madaling panahon ang kasalukuyang tensyon sa hilagang Myanmar, para panumbalikin ang katahimikan sa purok-hanggahan.
Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa pagbibigay-tulong ng Tsina sa prosesong pangkayapaan ng Myanmar, magkasamang paglaban sa ilegal na pagtawid sa hanggahan, pagpapasulong sa kalakalan, at iba pang isyu.
Salin: Liu Kai