Ipinahayag ngayong araw, Martes, ika-22 ng Nobyembre 2016, sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, halos 3 libong mamamayan ng Myanmar ang pumasok sa Tsina, para lumikas mula sa sagupaan sa loob ng kanilang bansa. Aniya pa, ginawa ng panig Tsino ang maayos na pagtanggap sa naturang mga tao.
Ipinahayag din ni Geng ang pag-asang agarang ititigil ng dalawang nagsasagupaang panig ng Myanmar ang labanan, para panumbalikin ang katahimikan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar, bumalik sa lalong madaling panahon ang mga mamamayan ng Myanmar sa kani-kanilang tahanan, at iwasan ang kapinsalaan sa buhay at mga ari-arian ng mga mamamayang Tsino sa purok-hanggahan.
Salin: Liu Kai