Ayon sa ulat kahapon, Linggo, ika-27 ng Nobyembre 2016, ng tanggapan ng State Counsellor ng Myanmar, nitong ilang araw na nakalipas, patuloy pa rin ang pagsalakay ng ilang armadong grupo sa hilagang Myanmar. Sa huling tala, di-kukulangin sa 8 sibilyan ang sugatan.
Sapul noong ika-20 ng buwang ito, nagsimula sa Shan State sa hilagang bahagi ng Myanmar ang bagong round ng armadong pagbabaka sa pagitan ng tropa ng pamahalaan ng Myanmar at ilang armadong grupo ng bansang ito, na gaya ng Kachin Independence Army at Ta'ang National Liberation Army. Ikinamatay na ito ng 10 katao, at ikinasugat ng mahigit 40 iba pa.
Salin: Liu Kai