Isinagawa kahapon, Martes, ika-29 ng Nobyembre 2016, sa Chengdu, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ng pamahalaan ng Thailand ang promosyon ng turismo ng bansang ito. Lumahok sa promosyon si Tanasak Patimapragorn, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand.
Sinabi ni Patimapragorn, na ang promosyong ito ay naglalayong isalaysay ang mga patakaran at hakbangin ng pamahalaang Thai hinggil sa pagpapasulong ng kalidad ng turismo, at palakasin din ang kooperasyon ng mga travel agent ng Thailand at Tsina.
Isiniwalat din ni Patimapragorn, na ayon sa estadistika ng Tourism Authority ng kanyang bansa, hanggang sa kasalukuyan, naglakbay sa Thailand ang mahigit 8.1 milyong turistang Tsino sa loob ng taong ito. Ipinangako niyang bibigyan ng pinaka-de-kalidad na serbisyo ang mga turistang Tsino.
Salin: Liu Kai