Noong Nobyembre 29, 2016, 74 na takas na suspect na pinaghihinalaang sangkot sa mga kaso ng telecom fraud ang dinakip sa Malaysia at inihatid ng kapulisan pabalik ng Tsina. Ang naturang mga suspect ay kinabibilangan ng 53 taga-Mainland, at 21 taga-Taiwan, Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag Nobyembre 30, 2016, sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagpapahalaga at pasasalamat sa panig Malaysian sa pagtanggap sa patakarang "Isang Tsina," at pagbibigay-dagok, kasama ng Tsina, laban sa ibat-ibang transnasyonal na krimeng kinabibilangan ng telecom fraud.
Ani Geng, hahawakan ng Tsina ang nasabing mga kaso, alinsunod sa batas.