Isinalaysay kahapon, Huwebes, ika-24 ng Nobyembre 2016, sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magkakahiwalay na nakipag-ugnayan kamakailan sa kanilang mga couterpart na Pilipino ang mga departamento ng pamahalaang Tsino na gaya ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma, Ministri ng Komersyo, Ministri ng Agrikultura, at iba pa, para ipatupad ang bunga ng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina. Ani Geng, isinulong na ng dalawang panig ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, turismo, agrikultura, at iba pang aspekto.
Dagdag pa ni Geng, ang matagumpay na pagdalaw ni Pangulong Duterte ay palatandaan ng pagpapanumbalik ng mabuting pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, at pagpasok sa bagong yugto ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa. Umaasa rin aniya siyang matatamo ng Tsina at Pilipinas ang mga aktuwal na bunga sa kanilang kooperasyon, para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai