Bilang puno ng Sentral na Grupong Namumuno sa Pagpapalalim ng Pangkalahatang Reporma, nagpatawag kahapon, Lunes, ika-5 ng Disyembre 2016 sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng ika-30 pulong ng naturang grupo.
Hiniling ni Xi na pataasin ang episiyensiya ng mga reporma, at palawakin ang benepisyong dulot ng mga reporma. Binigyang-diin niyang dapat gawin ang magandang plano para sa mga gawain ng reporma sa susunod na taon. Dagdag pa ni Xi, ang mga reporma ay dapat makabuti sa pagdaragdag ng lakas sa pag-unlad ng kabuhayan, pagpapasulong ng pagkakapantay-pantay at katarungan ng lipunan, pagdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan, at pagpukaw ng kasiglahan ng mga mamamayan sa pakikilahok sa reporma.
Salin: Liu Kai